Wednesday, July 22, 2020

PLCI ONLINE ENROLLMENT A.Y. 2020-2021

Welcome Sa Aming Online Class!!


PAUNAWA:
Bilang pagtugon sa Covid-19 pandemic, ang P.L.C.I. ay naghanda ng Online Distance Learning ngayong S.Y. 2020 - 2021 kung saan ang mga bata ay makakapag-patuloy sa kanilang pag-aaral ng hindi umaalis sa kanilang mga tahanan. Ito ay gagawin sa pamamagitan ng online at iba’t-ibang pamamaraan na naaayon sa sitwasyon at kapasidad ng estudyante sa pag-aaral.

Types of Class:

1. Synchronous Learning
Para sa mga mag-aaral na may access sa internet. Ang kanilang lesson ay synchronous at gagabayan sila ng kanilang guro sa pag-aaral. Maaari din nila makuha ang mga video lessons para mapag-aralan nila itong muli.

Mga kailangan:
• Internet connectivity (broadband,wifi etc.)
• Gadgets (computer desktop, laptop, tablet, smartphone)
• Gmail

2. Asynchronous Learning
Para sa mga mag-aaral na walang access sa internet. Ang mga lessons ay isinalin sa video para maging madali ang kanilang pag-unawa at maging interesado habang nag-aaral. Ito ay mas madaling maiintindihan ng bata kumpara sa pag-gamit lamang ng mga printed modules.

Mga kailangan:
• Flashdrive (pag-lalagyan ng video lessons ng mga bata)
• Gadgets (computer desktop, smartphone o DVD player na compatible para sa flashdrive)
• Gmail

Muli po naming pinapaala na kami po ay hindi mag-ooffer ng face to face class habang wala pang bakuna sa Covid-19.

PAANO MAG-ENROLL:
1. Sagutan ang form na nasa link sa ibaba. Maaari din magpatala at magbayad ng personal, siguruhin lang na tumawag bago pumunta sa paaralan.


2. Bayaran ang admission fee na 2500php sa paaralan o sa mga remittance center. Makipag-ugnayan bago gumawa ng anumang payment transactions. 

3. Hintayin ang aming confirmation sa text o tawag.

Para sa mga katanungan, tumawag sa:
8-806-54-36
8-367-11-57
0920-346-97-11
0930-682-10-70

"INVEST IN QUALITY EDUCATION"